Sa Piling ng Mga Nagsisilaho(A Poetry in Tagalog)Binuksan niya nag kanyang mapulang bibig,ang guhit na dinulot nito ay parangisang munting sugat.Dulot ito ng kanyang pagnanaisna makahinga muling panibagong galak.Dumating kasi siya sa mundong itona walang patnubayni walang anumang aklat nasana'y gagabay sa kanyakapag panahon nanamannang pag-ihip ng panibagong sakdal.Isa-isa niyang binuklat angmga litrato, at ang mga sulatna nagpupumilit at nagpaparangya,sumisigaw,na may karapatan din silasa kanyang ala-ala.Bawat mukha at bawat guhitay pilit na binubuhaysa loob ng isang madilim na silidna walang pinto, ni bintana man.Binuksan